UNTV Cup logo (From UNTV Cup official Facebook Site) |
Ang
UNTV Cup ay ang kauna-unahang Charity Basketball league sa industriya ng
telebisyon sa Pilipinas na nagpasimula noong ika-29 Hulyo taong kasalukuyan sa
Smart Araneta Coliseum.
Ito
ay konsepto ni Mr. Public Servant, Daniel Razon. "Bumubuo ang UNTV ng
isang basketball game para sa mga public servant at mga kilalang artista. Ito
ay regular event na mapapanood sa UNTV.."-Kuya Daniel
Ang palaro ay binubuo ng pitong grupo mula sa
iba't ibang Public Officials: Armed Forces of the Philippimes (AFP) Congress and Local Government Units (Congress/LGU), Department
of Justice (DOJ), Judiciary, Metro
Manila Development Authority (MMDA), PhilHealth, Philippine National Police
(PNP)
Nakunan noong unang palaro sa Smart Araneta Coliseum |
Gayon din, kasama
ng mga Public Officials ang mga taong kilala sa larangan ng pag-arte: Sina Michael Flores at Brando Legaspi na
kabilang sa team AFP, ang magkapatid na Kier at Zoren Legaspi para sa grupong PhilHealth,
sina Eric Fructuoso at Jao Mapa na kasama ng team DOJ, sa team MMDA ay sina Allen
Dizon at Emilio Garcia, Ervic Vijandre and Jay Manalo naman para sa team
Congress/LGU, para naman sa PNP, sina Onyok Velasco and Jordan Herrera at sina Jon
Hall at James Blanco naman para sa team ng Judiciary.
Ang mga manlalaro ay tunay ngang nawiwili at
natutuwa sa naturang palaro. Ang mananalo sa patimpalak na iyon ay makatatanggap
ng P1M para sa kempeon at 500,000 naman para sa pangalawang mananalo.
Ang matatanggap na salapi ng mga mananalong grupo
ay ipagkakaloob o itutulong naman sa kanilang napiling mga institusyon. “Kadalasan,
nagbabayad kami (pera) para lamang makapaglaro (basketball) at wala kaming
nakukuha rito. Ngunit sa palarong ito (UNTV Cup), ang lahat ay lumalaban sa
magandang dahilan.-John Hall
(Straight News)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento