Marami sa mga mag-aaral sa high school ang nagnanasa na makapasok sa magandang
institusyon pagtungtong nila sa kolehiyo. Mga paaralang may magagandang kalidad
ng pagtuturo na mababa lamang ang halaga ng matrikula.
Kung kaya't isang kapalaran ang
makapag-aral ng libre sa kolehiyo o ang pagiging isang "Iskolar".
Ang kailangan mo na lamang na gawin ay ang mag-aral ng mabuti. Isipin na lamang
na ang lahat ng iyong mga pinaghirapan ay magbubunga sa hinaharap kung ito'y iyong
pagsisikapan at pagtitiisan.
Tunay ngang mahirap ang pagiging
iskolar. Marami sa mga iyon ay hindi nakakayanan ang "pressure" at
dami ng mga ginagawa. Ang iba'y umpisa pa lamang ng pag-hihirap ay sumusuko na.
Ngunit kailangang maintindihan ng mga iskolar na lahat ng mga iyon ay
pagsasanay para sa kani-kanilang hinaharap.
Si Yohan (Screen Name) ay katulad din
ng iba na noong una'y nawawalan na ng pag-asa na makapag-aral sa kolehiyo.
Isang mag-aaral na may potensyal sa pag-aaral ngunit walang sapat na pera para
matugunan ang mga gastusin sa paaralan, pangunahin na ay ang matrikula.
Kung kaya't nagpasasalamat siya una sa Dios dahil sa pagkakaroon ng isang institusyon na ang layon ay makatulong sa mga mahihirap nagnanais na makatapos sa kani-kanilang pag-aaral, ang La Verdad Christian College, (Sa Kalookan). Ang konseptong ito ay hango sa dalawang mabubuting nilalang na walang inatupag kundi isipin ang ikabubuti ng kanilang kapwa, sina Bro Eliseo F. Soriano (Most sensible preacher of time) at Kuya Daniel S. Razon (Mr. Public Servant)
Hindi lamang matatalino ang tinatanggap sa institusyon iyon. Kung ikaw ay magsisikap, maaari kang makapasok doon. "Kaya nga mag-aaral eh, para matuto"-Kuya Daniel
Ano na lamang ang iyong pinaghirapan
kung ika'y susuko kaagad? Nararapat lamang na tapusin ng bawat isa ang
kani-kanilang inumpisahan at makakaasa kayo na ang lahat ng iyon ay may
magandang kahihinatnan.
(Featured Article)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento